Here is your guide. Questions and answers. Click here to know more.

ang~lunsay

Kumusta?

Sana ayos ka. Gawin nating masaya at simple ang boses at vibe para dito sa Lunsay. Chill at relax tayo dito. Tayo yung magkakaibigan na magkakasamang tumatambay muna at nagpapahinga (literal na huminga muna tayo), magmuni-muni sa mga kung anu-anong kuru-kuro. Walang tama o mali. Asahan mo, masaya lang tayo dito.


Halaga.

Ang lunsay.com ang ating paraan upang magsilbing paalala kung ano ang ating mga pinahahalagahan. Sa bawat kwento na nandito sa Lunsay, mayroon tayong matututunan na magagamit para sa ating pag-unlad. Sa tingin ko madalas gusto nating mas lalong mapabuti kung ano man ang meron na tayo.

 

Kahulugan.

Sabi sa internet, at sana tama siya, ang ibig sabihin daw ng lunsay ay puro, simple at dalisay. Sana yun nga, kung mali man... peace. Simple lang naman talaga ang mga bagay, hindi na natin kailangang gawing kumplikado. At isa pa, maganda ding minsan ok din naman na hayaan na lang.

 

Saysay.

Iba't iba, halu-halo, sari-sari. Malawak ang mga ilalagay nating post dito, pramis, as in. Tungkol sa buhay, relasyon, trabaho, libangan, negosyo, paano makatipid, adventure, DIY, ano ang mga produkto na sinusuportahan, mga adbokasiya, kalikasan, mga grupong kasama at maraming marami pang iba. Maging bukas ang isip, dahil tayo ay may isang habang-buhay para makilala ang ating sarili.

 

Benta?

Oo nagbebenta tayo dito ng iba't ibang produkto. Powered by Shopify din tayo. Sa ngayon dahan-dahan muna. Registered na sa DTI at BIR na Lunsay Online Store kaya may resibo din tayo na binibigay. Marami tayong magiging kasamang mga produkto na mailalagay dito. Pwede na din magbayad ng credit card, debit card, PayMaya at GCash wallet. Kaya kung isa kang negosyo na gusto mo makasali dito, message na sa hello@lunsay.com

Blog?

Sobrang dami nang blog, laos na nga ang blogging. Vlogging na kaya ang uso ngayon, Youtube sensation is the ultimate dream. Pero para sa atin dito sa Lunsay, hayaan nating yung mas tipid sa data ang piliin natin, yung load mo ang page, tapos basahin mo kapag libreng oras. Yung makakapulot tayo ng quotable quotes para mapaisip din at maapply sa sarili. At isa pa, may magbasa man nito o wala, ito na yung parang kaibigan na maaasahan, handang makinig kahit anong ikwento, no judgement. Parang walang sawang monologue na sa bawat tanong, ikaw rin ang makakasagot at sa sarili mo mahahanap ang sagot.