Here is your guide. Questions and answers. Click here to know more.

Dambana

Dambana
Raymund Sarangay

Ang pag-ibig ko sa'yo
Higit pa sa pilak at ginto

'Di ko maipaliwanag ang nadarama
Naglalaro sa aking isip, galak at kaba
Sino ang mag-aakalang makakamit na
Paulit-ulit nang nahulog, ikaw na pala

Sa puso ko'y ikaw ang bumihag

Dumating na ang araw
Na aking matagal na ngang pinakahihintay
Sa dambana tayo maghawak-kamay
At bukas pagsikat ng umaga
Matutupad lahat ng ipinagdasal
Ikaw at ako'y akda ng Maykapal

Sa pagsuyo mong bigay sa akin, nabihag mo na
Unti-unti na ngang nabuhay, pusong pagod na
Lumalagay na sa tahimik, walang pangamba
Sa bagong yugto, ikaw ang kasama

Wala nang anino sa liwanag
Sa puso ko'y ikaw ang bumihag

Ano man ang mangyari, pangako sa'yo
Sa hirap at ginhawa, nandito ako
Ano man ang mangyari, pangako sa'yo
Sa hirap at ginhawa, ikaw ang mundo

Leave a comment

Please note, comments must be approved before they are published