Here is your guide. Questions and answers. Click here to know more.

Puro Putik

Ang sakit sa loob. Malungkot ako dahil sa nangyari sa amin kung saan ako nagtatrabaho. Tabing ilog kami. Isang dangkal na lang, abot na sa kisame ng babang opisina. Nawash out ang mga gamit namin. Iilan na lang ang naisalbang gamit at papeles. Iba ngayon ang baha na to, hindi katulad ng fati na nabasa lang mga papeles at gamit tapos pwede pa marecover, ngayon nalusaw na sa putik.

Umabot sa 22 meters tapos ngayon normal na 13.5 meters na ulit ang Ilog ng Marikina. Yung iba buong bahay ang nawala, o baka kakilala pa.

Dahil resposibilidad ko ang mga papeles, masama sa loob ko na napabayaan ko sila ng hindi sinasadya. Kahit na walang may gustong mangyari, nagkaganito pa. Pero wala na dapat akong maramdaman na lungkot, dapat move on na lang. Wala din naman magagawa titigan ang mga gamit sa putik. Inanod na ng baha at natabunan na ng putik ang mga pending kong trabaho. Wag ko na lang ito hayaan maulit at maging pending na naman yung mga kasalukuyan ko.

Mga naisip ko na dapat gawin:
Maging mas masinop sa buhay at trabaho.
Lugar para sa lahat ng bagay.
Palaging gawin ang lahat ng makakaya.

Leave a comment

Please note, comments must be approved before they are published