Here is your guide. Questions and answers. Click here to know more.

Biglang Baha

Paggising, 20 metro na ang tubig sa Ilog ng Marikina. Sabi ng langit hayaan na ang mga bagay na mangyari dahil wala naman din talaga akong magagawa.

Bumangon kami para tignan kung pumasok din ang tubig sa basement. Nabasa ang mga gamit, pero ang tanong ay mahalaga ba? Baha sa labas at sa kalsada. Korean Film na Survival Family ang naalala ko ngayon.

Dito pumapasok ang pagiging mapili kung anong mga gamit lang ang hahayaan natin sa buhay natin. Paano pa na sa ibang tao, hindi lang ilang pirasong gamit ang nasira, buong bahay o kapamilya pa ang kinuha ng baha.

Dadating sa punto na magpapaalalang buhay pa rin ang mahalaga. Pero ano ang saysay ng buhay? Sa bawat araw-araw, sa hirap man o ginhawa, gawin ang pinakamakakaya. Yun lang ang pwede natin magawa. May kontrol pa tayo sa kung paano tayo mag-isip, pero bukod dun, wala na rin talaga. Simula ngayon, pipiliin kong mabuti ang mahahalaga sa akin. Laging yan ang tanong ko sa sarili, ano ang mahalaga?

Leave a comment

Please note, comments must be approved before they are published